Welcome to the IslaVerde Tropical friendly Resort “Lovers’ Blog”.

 Some of our happy couples like sharing their experience at our resort. If you would like to share stories about your time with us, please send your story to  islaverderesort@gmail.com
We will publish them on this site for you to share.

Warm regards, Tita Jo.

Tuesday, April 4, 2017

Ring My Belle - A love story



Nagkakilala kami ni Thags sa isang Facebook page. Nagka-chat, nagkakuhaan ng number at hanggang sa naging kami nang hindi pa nagkikita ng personal. Sa akin noon, wala naman kasi akong balak na pumasok sa seryosong relasyon dahil masakit pa sa akin ‘yung past ko, kumbaga, naghahanap lang talaga ako ng rebound at alam ni Thags ‘yun. Parang trip-trip lang ‘to na tulungan ‘yung isa’t isa na maka-get over kasi siya din nu’n ei galing sa break-up.


Dumating ‘yung time na gusto niya nang makipagkita. Ako naman, dahil mukha siyang interesting na tao at nagja-jive ‘yung mga gusto namin sa buhay – mula music, pagkain hanggang sa political views, eh sige, go na din  Akala ko magiging awkward kasi first time magkikita tapos may relasyon na, pero hindi pala! Hehe. Hindi ko kayang maipaliwanag pero me’ron agad certain feeling ng pagiging komportable sa isa’t isa. Parang kung paano kami mag-usap at magbiruan sa text, ganu’n din. Except na ‘eto, kaharap ko na siya.



Sabi ko bago kami magkita, kung after ng meet-up ay hindi na siya interesadong ipagpatuloy eh sabihin niya lang sa akin. At ganoon din naman ang gagawin ko if ever na hindi ko na bet. Nu’ng hinatid niya ako sa sakayan, wala naman siyang confirmation kung ipagpapatuloy o hindi itong so-called relationship namin. Wala na rin akong sinabi pero iniisip ko baka hindi na lang siya magte-text at matic na ‘yun. Pero nag-text pa din siya after ng meet-up at nagtuluy-tuloy ang lahat. Dahil taga-Nueva Ecija pa siya nu’n at nandito ako sa Maynila, once a month ay lumuluwas pa siya para lang magkita kami. Ganoon lang hanggang sa hindi ko namalayan na ilang buwan na lang ay mag-iisang taon na kami. Siguro mga 3 months before ng 1st year anniversary namin, sinabi niya sa akin na dito na siya mag-i’stay at magta-trabaho sa Maynila para naman maging malapit na kami sa isa’t isa. Doon ko naramdaman na mahal na talaga ako ng lalaking ito. Kung ako ang tatanungin, hindi ko rin alam kung kalian ko na-realize na mahal ko na din siya. Hindi na ‘to trip-trip lang.


Dumaan ang mga taon - 1st, 2nd, 3rd, 4th year anniversary. Wala naming nagbabago sa amin –basta lagi lang masaya, petty lang ‘yung mga tampuhan at madaling nare-resolve, para lang mga bata na laging nagkukulitan at nagtatawanan kahit sa maliliit na bagay. Parehas kasi kaming mababaw lang ang kaligayahan. Though, marami kaming struggles noon tulad ng nawalan kami ng trabaho. Tapos nag-negosyo kami ng accessories-making na itinitinda namin sa mga kamag-anak. Para makatipid, nilalakad lang namin noon mula Quiapo (doon kasi angaktan ng materyales) hanggang Malate kapag inihahatid niya ako sa amin. May side trip na pasyal sa Luneta at palamig sa aircon ng Robinson’s Ermita. Tapos street foods na lang ang meryenda, minsan nga, samalamig na lang. Hehe. Pero masaya pa din kami nu’n at hindi naming masyado naiisip na ang hirap-hirap na.


Hanggang sa unti-unting nagkaroon ng liwanag ang buhay. Naks! Parang Meralco lang. Haha! :D Natanggap ako sa Government Service at after ilang months, nagkaroon na rin siya ng isang stable job sa isang laboratory clinic. Nakakapag-ipon na kami nito, tapos travel, saka nasusuportahan na namin ‘yung mga pamilya namin. Solve na. Salamat sa Diyos.


Dumating ang year 2016, nagsabi na siya ng intention na gusto na niya akong pakasalan. This is it, pancit! Naganap ang kasalan noong Dec. 04, 2016 – 5 years and a month namin bilang magkasintahan. At gaya pa rin noon – ipon at travel. Kaya nang matuklasan namin itong Isla Verde – aba, go na kami agad. Hehe. Sana din makabalik kami dito at makapag-stay pa ng mas matagal na time.
The way to the beach...
Sunsets...




1 comment:

NOTICES